Just another WordPress.com site

Latest

diploma

"diploma"

Marami sa atin ang gusto magaral..pero ang iba hindi pinalad lalo na ung mga kababayan nating kapus din sa buhay at yung iba naman ay talagang ayaw magaral tulad ko..kahit ako sa sarili ko hndi ko alam nun kung bakit ayaw ko magaral..dahil siguro sa mura kung idad,isipan at mababaw na kaalaman..o may hinahanap ako na isang bagay na hindi maibigay..? Ang tanging pananaw ko lng naman noon ay  maging makisig sa aking mga kaibigan at kahangaan..hindi ko pinapahalagahan  ang aking pag aaral kahit na kinagagalitan ako ng aking magulang..  ang katwiran ko sa isipan ko ay..

“ok lang yan makakapasa naman ako”

Yan ang kadalasan  na sinasabi ko sa aking sarili ..masarap nga nman kasi uminom ,magbilyar  at manigarilyo kasama ang barkada feeling ko sikat na ako at matikas na ko nun.

Pumapasok naman ako sa iskwelahan kung kailan ko gusto..1st year high school ako nung nagsimula ako sa ganitong buhay dahil ang tanging alam ko nun ay may isipan na ko at alam ko na lahat at walang mali sa  ginagawa ko..naipasa ko ang 1st year high school ng paganun ganun lang ang ginagawa ko.. SARAP BUHAY!  Pero hindi ako nkalusot nung 2nd year high school  dhil sa hindi ko pagpapasok sa klase 4 na subjects  ang bagsak sa akin nagulat ako at repeater ako ..nakakahiya..pakiramdam ko pinagkaitan ako ng panahon..Alam ko nabigo ako dahil naiwanan ako nang mga kabatch ko.Sila 3rd yr. na pero ako 2nd yr. parin.. nagpalipat lipat ako ngiskwelahan pero na ulit nang naulit ang ganitong sinaryo  sa pagaaral ko at hanggang sa umabot ito sa apat na beses sa second year..

Nakakahiya pero nung pang apat kunang ulit sa 2nd yr.pinilit ko umayos sa pagaaral at talikuran ang mga barkada ko..hindi naging madali ang lahat ..bumarkada ako sa masisipag mag aral at pinilit ko pumasok sa araw araw sa iskwelahan  para mapatunayan ko sa mga nakakakilala sa akin at kumukutya na kaya ko tapusin ang high school at di ako mahihiya kahit kuya na ang tawag ng mga kaklase ko sa akin.

Naipasa ko ang  second year at nagtuloy tuloy na hanggang makapagtapos ako ng high school..nakaakyat ako ng stage na hindi ko kasama ang aking magulang dahil ayaw ako samahan..nahihiya sila dahil nga late na ako nakagraduate at ilang beses ako paulit ulit sa second year..Nakaramdam ako nang tampo sa aking magulang  dahil hindi man lang nila na appreciate ang pagsisikap ko na makapagtapos kahit kinukutya ng mga tao. Pero wala ako magagawa mgulang ko sila..pero kung nakinig sana ako sa kanila nung una palang baka naging proud sila sa akin at hindi ako nagpaulit ulit sa pagaaral.

Hindi naging biro noon ang ginawa kung pag iiwas sa bisyo at barkada ko..ang hirap umiwas sa tukso pero nagawa ko. Dahil alam ko para din ito sa sarili ko at kailangan ko tulungan ang sarili ko para makaahon sa hukay na pagkakabaon..

Naging masyado ako kampante noon dahil alam ko na hindi ako bobo sa klase at alam ko din na madami ako alam. Pero hindi pala sapat ito..kailangan ko pala maging responsable at magaral pa.

Ang alam ko na magiging makisig ako at kakahangaan ng iba ay sya pla magtutulak sa akin sa kabiguan..ang hirap mabigo at mapagtawanan pero sa bagay na ito dito ako natuto kung paano bumangon at magsimula ulit..dito ko din natutunan na ang tao habang nahihirapan ay lalo nagiging matatag.. angkabiguan  ay sya dapat maging aral sa buhay.. hindi sapat ang umayaw na lang..

  •  Naka graduate ako ng high school sa idad na 19 at ngaun ay nakapagtapos pa ako sa kolehiyo..Meron na din akung pamilya at pirmanenteng trabaho dito sa bansang Iran sa idad kung 26.. ang lahat ng pagkabigo at hirap na napagdaanan ko ang syang nagpapatatag at nagpapalakas sa akin ngayon..

Hello world!

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can always preview any post or edit it before you share it to the world.